Thursday, December 23, 2004

bakit ba tayo nagpapakatanga?!? tama na yan!

pag nagmahal daw ang isang tao:
"parang nakakapit sa patalim, nagdudugo na ang
kamay mo, hindi ka pa
rin bumibitaw..."

totoo nga naman diba? lalo na pag
nagpapakamartyr ka... kahit gaano
kahirap,
kahit gaano kasakit, kapit ka lang ng
mahigpit... palalim ng palalim
ang sugat,
pahigpit ng pahigpit ang hawak mo sa kutsilyo...
sa isip mo kasi "mahal
ko siya...
kailangan maging malakas ako para
sa kanya... ipaglalaban ko to..."

ang tanong diyan eh...

GUSTO BA NUNG TAONG YON NA
IPAGLABAN MO?

GUSTO BA NUNG TAONG YON NA MAGING
MALAKAS KA
PARA SA KANYA?

higit sa lahat... ALAM BA NIYA?!!

yan ang hirap sa ganyan eh... kapag wala ka na
ibang nakikita kundi
yung taong yun at yung nararamdaman mo para
sa kanya... yun kasi ang bumubulag sayo eh...
yung
mentalidad na pag nakuha mo siya,
makukumpleto
ang buhay mo...
pagminahal mo siya ng lubos, matututunan ka rin
niyang mahalin... basta
maiparamdam mo, may pagasa...

EH PANO NGA KUNG WALA?

pano nga kung
hindi ka
naman niya talaga kayang
mahalin?
pano kung niloloko mo lang pala ang sarili mo?
aba siyempre, hindi mo
makikita yun...
"mahal" mo eh... kaya kung ano
lang ang gusto mo
makita, yun lang...

kapag magkasama kayo at nakikita mo siyang
ngumingiti at masaya,
iniisip mo agad dahil magkasama kayo...
yun pala within eye's view lang
yung totoong gusto niya kaya ganun...

o kaya kapag nilalapitan ka niya para magtanong,
tuwang tuwa ka
kasi ikaw ang una niyang nilapitan... yun pala
katabi mo lang yung
gusto niya kaya sinasamantala niya yung
pagkakataon...

kapag nagkasakit ka at tumawag siya o nagtext
para mangamusta,
halos gumaling ka na in a second sa sobrang
tuwa...
nagaalala lang pala siya kasi KAIBIGAN ka
niya...

KAIBIGAN KA LANG NIYA...

haay...

ipaglaban mo KUNG NARARAPAT...
hindi naman masamang
ipaglaban eh, kung mahal mo ba naman siya, at
mahal ka rin niya
eh di why not?

di sapat na MAHAL MO... sa ganyang
pagkakataon,
mas importanteng
MAHAL
KA
RIN...

dahil kung hindi ka naman niya mahal, panu na
yun?
nagpipitik bulag ka na nga, magisa pa...

nagmukha ka lang
tanga...

->ewan ko nga ba kung bakit tayo ganito.
->hinahayaan natin ang mga sarili natin na masaktan
->para masabing nagmahal tyo.
->kelan ba tyo mamumulat sa ilusyong nagpapatakbo ng buhay natin?
->i've had enough. hindi ko sure kung galit ang nararamdaman ko.
->pero ang alam ko lang ay ayoko nang ipagpatuloy ang ganitong
->sitwasyon. i hate it!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home